top of page
Search

ALAMIN ANG PANGANIB NG THROMBOSIS O “BLOOD KLOT”

ALAMIN ANG PANGANIB NG THROMBOSIS O “BLOOD KLOT”


Isa sa 4 n tao sa buong mundo ang namamatay dahils sa blood klot. Ngunit itio ay pwede maiwasan sa pamamagitan ng edukasyon ng mga duktor at kanilang pasyente.


Anu ang thrombosis?


Ito ay pamumuo ng dugo sa ugat (artery or vein) na nag papahina o humaharang sa normal na daloy ng dugo, Pwede itong kumalas at tumilapon sa iba’t ibang bahagi ng katawan gaya ng puso, utak, bint or baga.



Deep Vein Thrombosis (DVT)


Ito ang pamumuo ng dugo sa binti o paa. Maaring makaramdam ng:

- Sakit, pamamaga, pag-iinit, o pamumula ng binti o paa


Pulmonary embolism (PE)


Ito ay pagtilapon ng namuong dugo sa ugat ng baga. Maaring makaranas ng:

- Biglaan mabilis at hirap sa paghinga

- Sakit sa dibdib na mas Malala tuwing humihinga

- Mabilis na pagtibok ng puso

- Hilo o pagkawala ng malay tao


VENOUS THROMBOEMBOLISM (VTE)


Madalas ito ay maaring maiwasan. Ito ay madalas mangyari sa:

-sobrang mataba (obese)

-naninigarilyo

-malubhang aksidente

-pag gamit ng pills

-pag bubuntis o bagong panganak

-pag ka ospital lalo na kung critical

-malaking operasyon partikular ang cancer surgery at operasyon sa buto

-matagal na pagkaratay sa sakit na hindi na kakatayo o lakad ng maayos

-“mana” sa pamilya


Paano maiiwasan ang VTE?


Alalmin ang “VTE Risk” ng inyong pasyente

Bigyan ng tamang gamut gaya ng pampalabnaw ng dugo (anti coagulant) o sapat na payo (magsuot ng anti embolic stockings o maagang pagkikilos) para makaiwas sa VTE




1,773 views0 comments

Comments


Commenting has been turned off.
bottom of page